Archive for March, 2009

sampung pangarap

Saturday, March 28th, 2009

lahat ng tao me pangarap. bata o matanda, lalake o babae - lahat meron. ang iba sinasabi sa iba, ang iba naman tinatago. merong isa lang ang pangarap, meron din namang mas madami pa ata sa tao sa buong mundo ang pangarap. ang iba’y simple, ang iba naman ay medyo imposible.

kahit ako me pangarap, at ito ang sampu sa madaming pangarap ko.

pangarap kong maging dancer. oo! pangarap ko yan.. pangarap ko yan kahit ayaw ng katawan ko. ewan ko kung me pag-asa pa ako matutong sumayaw pero di ako nagpo-pokus na matutong sumayaw. kung matuto ako edi matuto, hehe.

pangarap ko maging magaling sa pagba-basketball, kahit hindi ako maging player maging medyo mapino lang ang laro ko ayus na. marunong naman ako magbasketball kahit pano, di nga lang ako magaling. kelangan ko pa hasain yung pagdribble ko sa kaliwa (kanan lang kasi ako nagdadala ng bola e). bukod dun e kelangan ko din magdagdag ng lakas para pwede ako makipagsabayan sa loob. lumilipad kasi ako pag binomba na’ko e, hehe.

pangarap ko ding lumaki kahit konti yung katawan ko. payatot ako e.

pangarap ko makita sa personal ang mga crurh ko na sina rachelle anne daquis (feu volleyball player), lalay lim (urbandub bassist), cristine reyes, katrina halili, maxene eigenmann, angelica palomo (klasmeyt ko noong elementary na crush ko), mary joy amon (klasmeyt ko noong hayskul na crush ko) at candace parker (wnba player).

pangarap ko maging drummer. marunong ako konti pero di pa ako nagkabanda na naging drummer ako.. vocalist lang. :)
pangarap ko maikama si %?!*@, hehe. walang masama. pangarap ko yun e.

pangarap ko maging writer. yung magaling. kaso mukhang nasa’kin na yun kung gagalingan ko magsulat na sa lagay ngayon e mukhang malabo mangyari, hehe.

pangarap ko magkaroon ng laptop. nagrerent lang ako e, hehe.

pangarap ko magtapos ng kolehiyo. kaso malabo na yun sa palagay ko. walang pang-aral e. ayaw ko naman mag-scholar dahil di naman ako matalino. ayaw ko ding subukan, sayang lang.

pangarap ko makita at makausap si Lord. madami ako tatanong.

at

pangarap ko matupad ang lahat ng pangarap ko. kasama na yung mga binanggit ko.

may masama ba sa mga pangarap ko? wala. sabi nga ng kamikazee: libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling. libre lang mangarap, managinip ka habang gising.

earth hour

Saturday, March 28th, 2009

march 28, 2009. 8:30pm-9:30pm.
EARTH HOUR.
bilang pakikiisa sa earth hour na yan ay nakikiusap sila sa lahat na kung pwede ay patayin ang lahat ng ilaw sa bahay. ang tanong.. may gumawa kaya? sa palagay ko, kung meron man - iilan lang. at sigurado na lahat ng di gumawa e may kanya-kanya ng dahilan. kesyo hindi daw alam na earth hour, kesyo madilim sa kanila pag pinatay ang ilaw, kesyo di naman daw totoo yan at kesyo wala din naman daw susunod dyan. malay ko, sabagay kahit dito samin at maging mismo sa bahay namin - hindi pinatay ang ilaw. di alam ni ermat ko e, di ko kasi nasabi. di ko naman pwedeng basta na lang patayin ang ilaw namin, baka mabatukan ako ni ermat ko. di naman sa hindi din ako sumunod kaso alam kong hindi naman din ako ang nag-iisang hindi gumawa nun.. at least alam ko yung earth hour.

==========

opps! ginawa nina ermat. hehe.
ilaw lang naman pala ang papatayin. kala ko magdidilim talaga yung buong Pinas. save the energy daw yun. televised kasi e, kaya naki-join na si ermat. tinatanong nga nya sakin kanina kung ano daw ang mangyayari kung patayin nya o hindi ang ilaw. sabi ko na me halong biro.. “kung patayin mo, wala lang. walang mangyayari at wala ding mapapala. in short walang masama kung papatayin. kung di mo naman papatayin, madaming mawawala at madaming mamamatay“. hehe. biro ko lang yun, wala namang talaga akong alam e.

alaws tagamap

Saturday, March 28th, 2009

halos dalawang buwan na din ako hindi nagloload, hehe. musta na kaya ang clan ko? ang mga teksmeyts ko? mga tropa ko? mga naging klasmeyts ko na kateks ko pa din? tsaka yung mga ex ko? wala silang balita sakin, di pa kaya iniisip na baka patay na’ko? haha.
malapit lapit na din ako gumraduate sa pag-aaral ng cellphone repair, di naman ako sigurado kung makakapag-repair na’ko nyan. kung tutuusin ayoko na e, kaso ilang araw na lang naman yung 15days na pasok namin na hindi naman araw araw kaya medyo natagalan. kung di lang ako nagloko nung college ako, tapus na sana ako.

blogspot o friendster?

Monday, March 23rd, 2009

and now we are down to 2 choices ladies and gentlemen! blogspot or friendster? friendster or blogspot?

tae! san kaya ang mas magandang kubeta sa dalawang nabanggit? halos pareho lang kasi e, medyo nagkaproblema nga lang ako sa blogspot nitong mga nakaraang post ko. di ko kasi maayos yung mga font, hehe. dapat pare-pareho silang New Times Roman yung font kaso yung iba nagiging Arial. kahit ayusin ko at iset sa New Times Roman e bumabalik at bumabalik sa Arial ang taeng font.

dito na lang ata ako? kaso ang problema ko naman dito sa friendster e di ko pa masyado alam kalkalin, haha. nangangapa pa ako. nasanay kasi ako sa blogspot na widget lang ng widget e ayus na. dito sa friendster e di ko pa nakakalikot yung mga widget pero interesado ako.. interesado ako. i’ll try. (english! *dugo ilong*)

sa parehong pagkakataon naman e ang pagpili ko kung san sa dalawang account ko ako magkukwento. dito kay leocarlo na kilala na ng mga kakilala ko (siyempre! hehe), o kay kokombanboy na kilala ng mga kilala ko na hindi nila alam na si leocarlo at kokombanboy ay iisa? pano kung mag-fusion sila? pwedeng subukan.. walang masama.

bahala na! basta dito na muna siguro ako.