alaws tagamap
March 28, 2009halos dalawang buwan na din ako hindi nagloload, hehe. musta na kaya ang clan ko? ang mga teksmeyts ko? mga tropa ko? mga naging klasmeyts ko na kateks ko pa din? tsaka yung mga ex ko? wala silang balita sakin, di pa kaya iniisip na baka patay na’ko? haha.
malapit lapit na din ako gumraduate sa pag-aaral ng cellphone repair, di naman ako sigurado kung makakapag-repair na’ko nyan. kung tutuusin ayoko na e, kaso ilang araw na lang naman yung 15days na pasok namin na hindi naman araw araw kaya medyo natagalan. kung di lang ako nagloko nung college ako, tapus na sana ako.