ang laman
mahilig tayo sa pagbabasa. dyaryo, magasin, libro, poster, text sa cellphone, caption sa tv, vandal sa pader, loveletter sa notebook, araw-araw na pamumuhay sa diary at higit sa lahat… ang nauusong kubeta ng nagtataeng panulat dahil sa katakawan ng utak - ang blog.
blog ang tawag sa sulatan ng tao tungkol sa mga bagay na umiikot sa utak nya. pwedeng kwento, pwedeng tula, pwedeng mga araw-araw na nangyayari sa buhay nya o pwedeng kung ano lang.
ito ang blog ko at dito nyo mababasa ang mga sari-saring bagay na umiikot sa utak ko. mga kwento tungkol sa kung sinu-sino at sa kung ano-ano.
sige, umpisahan nyo ng mag-ikot at baka matanong nyo sa sarili nyo na “anong nakain nito?“