otobayograpi

ako si kokomban boy. si leo carlo baun ang nagpangalan sa’kin, kokomban = coupon band. di na’ko tumutol ng pangalanan nya akong kokomban boy tutal e coupon band ang paborito kong punasan, punasan ng nagtatae kong panulat. matakaw kasi sa ideya, opinyon, kuro-kuro at kwento ang utak ko - at hindi ko pwedeng pigilan ang utak ko sa pagkain nito at ang panulat ko sa pagtatae nito.

ilang beses na’ko palipat-lipat ng kubeta, di ko alam kung bakit. sa ngayon e dito muna sa kubetang ito ako tatae, di ako sigurado kung magtatagal ako sa kubetang ito pero hangga’t andito ako e patuloy akong tatae.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

leo carlo baun. ako ang nagpangalan kay kokomban boy. mahilig ako magbasa, magsulat at magkwento. isa sa mga tinitingala kong manunulat ay si Bob Ong. isa mga libro nya ang dahilan kaya nasilang si kokomban boy, kung di ako nagkakamali ay sa ABNKKBSNPLAko? ko nakita ang salitang kokomban.

dalawampung taon na akong humihinga sa mundo. panganay ako sa tatlong magkakapatid at ako lang ang lalake. nag-aral ako pero huminto, nag-trabaho ako pero limang buwan lang - kaya ngayon e tambay ako.

di ako kuntento na kain, tulog at gala lang ang ginagawa ko sa araw-araw kaya naghanap ako ng gagawin na kahit pano ay makakapagpasaya sa iba - kaya nagawa ang blog na to. di ko alam kung matatawa kayo sa mga kwento kong nagpapatawa ako o maiiyak kayo sa mga kwento kong nagdadrama ako pero ayos na sa’kin yung mabasa nyo ang bawat letrang andito sa blog na ‘to.

oh sya! basa na… enjoy!

ongapala… sa mga di nakakaalam. si kokomban boy at si leo carlo baun ay iisa. hahahehehihihohohuhu